Dudols :)

Sunday, March 15, 2009

12:12 pm March 11 (NAT)

Eto.. kasalukuyan silang nagna-NAT. 40 minutes pa halos.. Tagal pa kong uupo. Tapos na kase ko e. Di ko kasi minadali.. Lintek! Ang hirap ng gantong pagtetest! lima! non-stop! Ano to bar exam? Buti ba kung simpleng arithmetic lang to.. Drained jutaks ko! Demmit. na-trigger pa ata yung scoliolis tendencies ng likod ko. Yung leeg ko parang di na makatingala. Ang mata ko luwa na. At ang malala.. Ihing-ihi na ko. Kaya minadali ko na e. Di na nakikivibes yung pantog ko sa konsentrasyon ng utak ko.. T.T

35 minutes.. eto na.. nagsisimula ng lumapot yung pawis ko. Nagbabadya na ng malupit na finale. Well.. habang natitiis ko pa tong ihi ko.. magninilay-nilay muna ko sandali.

32 minutes.. Naalala ko yung mga panaginip ko within the past 4 days.. Simple lang naman sila. Hindi erotic. Walang fight scene. Mas lalong walang rape scene. Wala ring aswang. AT WALANG BAMPIRA! Puro engkanto lang.. de wala. ge mabalik tayo.. Wala simple lang talaga.. Marami akong taong nakita don na ni minsan sa buhay ko di ko pa naeencounter. Ang lumalabas nga eh, observer lang ako sa kanila. Pinagmamasdan ko lang sila. Third person character ko. tagakwento lang. Astig nga e. parang di ko panaginip. :) Sumingit lang ata ako or pumasok sa panaginip ng ibang tao.. Weird din. Kasi di ko nga sila kilala… Siguro sila ang mga makakasalamuha ko sa future. Or mga tao sila from the past life. Di talaga ko makarelate sa kanila.. Pero parang ang sarap gawan ng pelikula to. masyadong makabagbag damdamin.

21 minutes.. nag-iikot na yung proctor. nagchecheck na nung mga answer sheets.. baka may blangko e. POTEK. naiihi na tlaga ko. tsk. nakakahiya naman kasing mag- “Sir may i go out.” Baka isipin pa ninja ako.. Mangungulimbat ng sagot. pero di bale, oks pa to. kaya pa!

16 minutes.. naks. ang cute pagmasdan ng mga kaklase ko habang nagtetest sila.. hehe. yung iba nakakunot na yung noo. yung isa, astang sasabunutan na ang sarili. Meron naman nakatungo na. Ang kyot;] sarap sanang picturan. pamplenster. haha.. pero ang malupet tlaga.. yung 360 degrees yung mata. prang bayawak.

9 minutes… naisip ko lang.. pano naiinlab ang bulag? gano nya nasisigurong totoo yung pinakikita ng taong gusto nya sa kanya.. pano xa makakapagduda? saka para san ang pilikmata? ang kuko? haay..

(nakatulala…)

1 minute.. so siguro by now narealize mo na nagcocountdown ako..

30 seconds.. sige konti pa.

11 seconds.. woo! cge.. going close!

10..

9..

8..

7..

6..

..

3..

2..

wa..

1…

(wala pang bell? )

ringdingding.. o cge.. ihi muna ko.