>:)

Sunday, February 22, 2009

a had a quick thought. have you ever entertained the idea that you're being watched? if yes, creepy right? well me? not really.. that's why i asked. haha. apparently, certain circumstances would suggest but with my mind always preoccupied? they wouldn't stand a freakin' chance to torture my day. but what's the deal with dejavu? that certainly is freaky. a certain situation seemed to have taken place some time in the past and you could swear to death that you've been there. the faces, the actions, the environment.. all seemed to ring a bell. all of them seemed to have been constructed in the same stance as they are in the present. and then you'll start cracking your nut juicing and slicing it up onto thinking how the hell could that possibly be repeated?! .. one of the mysteries of our ever-superficial brain.. one mean machine so to speak.

as you read this post, and you are so sure that you've read this before, think again. you probably have. >:)

Abortion.

Saturday, February 21, 2009




Nay.. limang buwan na rin pala ko dito no.
Tagal na rin.
Sana nakikita na po kita.
Siguro nay ang ganda ganda nyo?
Sana maging kagaya mo ko paglaki ko.
Mejo naririnig na rin po kita.
Ang sarap sarap pakinggan ng boses nyo Nay!

Pero bakit parang palagi po kayong malungkot?

Nay! Nabubuka ko na po ang mga kamay ko!
Ang galing nga e.
Gusto kitang hawakan.
Ang saya siguro sa pakiramdam pag yakap ka no nay?
Di na ko makapaghintay.

Pero nay? May problema ka po ba?

Nakakainip naman dito nay!
Gusto ko ng lumabas.
Gusto na kitang makita at mahagkan.
Iniisip ko na rin yung pakiramdam kapag pinaghehele mo na ko.
Ang saya saya ko siguro nun nay!

Pero sana masaya ka rin..

Nay.. ano po yung ‘laglag‘?
Masarap po ba yun?
Naririnig ko kasi kayo minsan..
Gagawin mo po ba sa akin yun?

Malimit ka na pong umiyak.
Di po ba kayo masaya sa kin?
Nay… wag ka nang malungkot.
Nalulungkot din kasi ako.

Nay.. nahihilo po ako.
May nakain ata kayong di maganda.
Matapang po yung lasa.
Mapakla saka mapait.
Yun po ba yung sinasabi nyong gamot pampalaglag?
Di pala masarap nay.
Wag na po yung ganun.

(makalipas ang isang linggo..)

Pinaliwanag na po sakin ni Ama ang ibig sabihin ng ‘laglag’

Bakit nay?

Di nyo po ba ko gusto…
Di nyo po ba ako mahal?
Kasi nay.. ikaw po.. Mahal na mahal ko.
Bat nyo po ginawa yun?
Nalungkot po ako ng sobra..
Pero ang sabi ni Ama, magpatawad ako.
Siguro di lang ako nararapat sa mundo
Aalagaan naman daw ako ni Ama dito.
Sayang..
Poprotektahan pa naman sana kita pag labas ko.
Pero mukhang dito nalang kita magagabayan..
Sige nay. Alis na po ako.
Mag-iingat ka ah..
Nay.. Mahal na mahal kita..
Kahit hindi mo ko tinanggap.

buhay ng maituturing ang bawat musmos sa bawat sinapupunan. at malinaw na pagkitil ng buhay na iyon ang pagsasagawa ng ‘abortion’. hindi ikaw o ako ang lubos na may karapatang tanggalan ng karapatang mabuhay ang isang nilalang. hindi tayo Diyos.

Confessions of a Prosti..




“Madilim na naman. Simula na naman ng isang mahabang gabi ng kalakaran. Eto sakto kakaligo ko lang. Syempre kailangan maganda ko noh. Ay oo nga pala! sabado ngayon… puno na naman ang wallet nila pogi! Kailangan red na red lips ko nyan. Eto bagay na lipstick. Blush-on para juicy ang cheeks! Siguro dapat maglagay din ako ng false lashes para cute ako tingnan pag pumikit! Asan ko nga pala nailagay yung pulang backless ko na damit? Bagay na bagay yun para mamaya. Bentang-benta yun sa mga suki ko e. Kamuka ko daw si Rosanna Roces nung kabataan nya pag suot ko yon. Ayon.. andito lang pala. Teka, syempre yung short ko exposed na exposed yung flawless kong legs! Anong wig kaya bagay sakin? Straight? Kulot? Hmm.. Sige straight nalang para mukhang endorser ng shampoo. haha. O sya sya… pabango nalang

and im good to go! :D


Oha. Tingnan mo sila. Luwa ang mata sa kakatitig sakin. Malamang gandang ganda sila. haha. Nakasanayan ko na yan. :)) Ha? Ilang taon ko na tng ginagawa? Pano ko napasok sa ganitong siste? Ah mahabang kwento yan… o cge, dahil sa cute ka naman at mejo oks yung tipo mo saken… kukwentuhan na lang kita sa daan.


Sa pagkakatantsa ko e.. halos pitong taon na ko sa trabahong to. Matagal na rin e noh? Ilang taon na pala kong ginagawang instrumento ng libido at parausan ng mga hinayupak na lalaki. Ni hindi ko na nga mabilang kung ilan na silang pumasok, este.. napaghandugan ko ng aking serbisyo. hahaha! gabi-gabi.. Mababa na ang lima. O di ba? Ganun kabenta ang beauty ko sa mga parokyano. Ay teka, maiba nga..sinong nagsasabing taghirap na mga tao ngayon? Katarantaduhan. E patok na patok nga tong negosyo na to kahit sa mga mahihirap e! May mga jeepney driver. taxi driver.. sekyu. Halo-halo. May iba pa nga, mamahaling hotels ang pinipili. Madatung ang iba! At inaakala nyong kagalang-galang at mabubuting haligi ng tahanan lahat ng ating minamahal na mga pulitiko? Putangina! E ang iba nga sa kanila halos ilive-in na ang iba sa mga kasamahaan ko e! At bongga, pinapadalhan pa ko minsan ng mga regalo. Kaya tibatiba talaga! haha. Kaya naman pag umuuwi ako e, sobrang nanghihina.. Alam mo na, nakipagbakbakan e. :))


Masaya ba kamo ko sa ginagawa ko? E kung di ka ba naman tanga e! Sino kayang matinong babae ang gugustuhing pagpilahan at pagpasa-pasahan ng mga lalaking ni minsan ay di pa nya nakilala? Pero syempre di na ko kabilang sa mga Dalagang Pilipina na yan.. Eto na nga, andito na ko. Wala e.. kailangan kong gustuhin. Ito nagpapalamon sakin e. Di bale ng warakin ng mga putanginang lalaking yan ang aking puri wag ko lang makikitang tumtitirik ang mata ng anak ko sa gutom. OO TAMA. Nagbunga ang isang makamundong pagnanasa ng hindi sinasadya. Nabuo mula sa isang kasalanan. Ewan ko nga kung saang sulok ng Pilipinas nagtatago yung hinayupak na bumuntis saken e. Bahala na sya.. Kung nasan man sya, malamang nakarma na yon. Di na namin sya kailangan. Ang mahalaga.. Kasama ko ang anak ko.


Gaya mo, nangarap rin naman ako. Ni minsan di ko inisip na ganito ang kahihinatnan ko. Di ko to ginusto. Pinangrap ko ring makatanggap ng diploma.. ang umakyat sa entablado. Gusto ko sanang maging abogada. Mahirap lang ang buhay namin sa probinsya kaya nagsumikap akong mag-aral. Balak ko pa nga noon na ilibot si inay sa buong Pilipinas. Patatayuan ko pa sana sila itay ng malaking bahay… yung sampung beses ang laki kung ikukumpara sa kubo namin. Pahihigain ko pa nga sila sa malambot na kama. Patatapusin ko pa ng pag-aaral ang mga nakababata kong kapatid.


Nang makagraduate ako sa hayskul, inapply ako ni inay ng scholarship para makapag-aral ng kolehiyo. Wala naman kasi kaming pera para mapag-aral ako. Pero dahil sa may naitatago rin naman akong talino, napagbigyan yung scholarship. Nakapagaral ako sa Maynila. Lumuwas ako patungong lungsod dala ang pangako sa sariling iaahon ang pamilya.


Naging maayos naman ang pagsisimula ng aking pagaaral. Magandang mga grado ang nakukuha ko. Palagi akong nasa honor roll. Working student pa nga ako e. Sa umaga nag-aaral. Sa gabi, fast food crew. Di ko alintana ang pagod basta alam kong para sa pamilya ko lahat ng ginagawa ko. Nagkaron din ako ng mga mabubuting kaibigan… yun ang inakala ko. Sila ang nagpakilala sa akin ng mga katagang ‘bar hopping’, ‘alak’, ‘pagbubulakbol’, ‘ecstacy’ at pati na rin ang.. ‘SEX’. Alam kong mali na, kaso ayaw ng sistema kong lubayan ang ‘pakikihalubilo’. Probinsyana nga e.. mahiyain. Kaya takot mawalan ng kaibigan. Pero di ko naisip na lubha kong ikababagsak ang ‘pakikisama’ na yan. May boyfriend ako nun. Si Paolo. Minsan nagkalasingan ang barkada.. at pareho na ngang malakas ang tama naming dalawa. Saka nangyari ang di dapat nangyari. Nagtalik kami. Walang proteksyon. At hindi ko alam na kinukunan pala kami ng video ng mga leche naming ‘KAIBIGAN.’ Nagsimulang bumagsak ang grades ko. Hindi na rin ako nakakapasok. Natanggal ako sa trabaho. Pero hindi pa pala dun natapos ang kamalasan. Nung mga sumunod na araw, pinakalat nila yung video. Kaya naman pala ganun na lang kung matahin ako ng buong eskwelahan. Halos gumuho na ang mundo ko nun. Wala na kong mukhang naiharap sa mga tao. Duming-dumi na ako sa sarili ko. Ni hindi na ko pumapasok. Bumagsak ng bumagsak ang mga marka ko hanggang sa nawala na nga yung scholarship ko. Unti-unting gumuho ang mga pangarap ko. Wala na ang tanging susi ko sana sa buhay na hinahangad ko.. para sa pamilya ko. At hindi pa pala dun natatapos ang kamalasan ko. Nabuntis ako. Ginusto ko nang mamatay nun. Hiyang-hiya ako sa mga magulang ko. BInigo ko sila. Gulung-gulo na ako. Hinanap ko si Paolo.. pero hindi inako ng putangina ang nasa sinapupunan ko. Hindi daw kanya yon. Hanggang sa nawala na ang ugnayan naming dalawa. Ni hindi ko alam kung paano muling babangon… kung pano magsisimula. Hindi ko alam kung paano bubuhayin ang anak ko. Naisipan kong ipalaglag ang bata pero umatras ako. Bubuhayin ko ang bata. Nagpalipat-lipat ako sa iba’t ibang bangketa… may malipasan lang ng gabi. Nagtinda-tinda ako ng mga sigarilyo at kendi para malamanan kahit kakarampot ang sikmura ng anak ko sa aking sinapupunan. Isang ampunan ang sumaklolo sakin. Sa ampunan na rin ako nanganak… ngunit pagkatapos nun. Umalis din ako. Karga-karga ang anak bumalik ako sa dating sistema. Nagtinda ng kung anu-ano mapakain lamang ang anak. Tatlong taon ding mapanganib na kalye ang kinamulatang kapaligiran ng anak ko… hanggang sa makilala ko si Tita Babes. Mabait sya at bibigyan daw nya ko ng trabaho. Pinatira nya kami ng anak ko. Binihisan. Pinakain. Hanggang sa matuklasan ko na lang kung ano itong pinasok ko… PROSTITUSYON. Wala na kong nagawa pa. Kailangan kong buhayin ang anak ko at alam ng Diyos na gagawin ko ang lahat! Lahat lahat. Sirain ko man ang sarili ko. Gustuhin ko mang iwan ang kalakarang ito… pero wala pa kong lakas. Hindi ko pa sigurado kung san na naman kami pupulutin kapag nagkataon. kaya di bale ng magpakaputa ako.. Makaraos lang kami. Mahal ko ang anak ko

Hay nako pogi. Nakakaasar ka naman e. SInira mo tuloy make-up ko. tsk. Magreretouch na lang ako. Salamat sa pakikinig ah. So pano… pasok na ko. Oras na para kumayod. Sa muli..


-Filipino Time.

pasensya kung pagkahaba-haba. naisipan ko lang magsulat ng ganto.

Algebra. T.T Lintek na!

Me and Algebra just don’t mix.


yan. yan ang pilosopiya ko sa buhay. yan ang sinsabi ng utak ko pag oras na ng algebra. actually malumanay pa pag ganun.. pero wag ka pag exam na! minsan may kasama na ngang pagmumura. T.T parang nagkakaron ng reenactment ang Civil War, Cold War at Gay War sa ulo ko. 3/4 ng neurons ko sinasabing “innnaaaahhh!!! tumakas ka na habang di pa huli ang lahat!!! kaya pa natin too!!! waaaaa!!!” at yung natitirang 1/4 eh “waag kang susuko!!! tuloy ang laban!!” pero sholbog ang 1/4. masyadong malakas ang pwersa ng 3/4. pero syempre alam mong barbero lang lahat ng yon.

hanggang ngayon di ko pa rin alm kung sa paanong paraan ko magagagmit yang algebra na yan kung ang pinaka-basic lng nman na dapat matutunan ng isnag tao e ang mag-add, mag-subtract, mag-multiply at divide. no offense sa mga Algebra-lovers, pero talgang di tayo talo. putik! mantakin mo pang pati mga letra kelangn mo ring isolve ang value. leche. di na lang napirmi kasama sila A, B, C at nakiparty pa kina 1, 2, 3. buti sana kung yung mgiging career ko pgdating ng araw magwa kong maiapply lahat ng aral ng algebra(kung meron akong ntutunan…) oo na. Cliche na to. kasawa-sawa na ang ganitong pg-rarant ng mga estudyante tungkol dyan sa algebra nayan pero tlgang di lhat mbilis maka-comprehend. oo inaamin ko ako din. hay nako ewan ko ha.. siguro pag nhanap ko ang tunay na purpose ng algebra sa buhay ko at sa sangkatauhan ska lng ako magtitiyaga at gagaling dyan..

expand: (a+b)n

=(a + b)n

=( a + b )n=( a + b )n

“buti pa ang letra nakakabuo ng equation..

di kagaya ng numero, di mkabuo ng sentence”-Bob Ong

Uyy! Bitter Sya! hehe.

wala. natagpuan ko lang sa baul. hanapin mo na rin kung anong stage ka. tapos direcho ka ng pare. mangumpisal ka…

5 STAGES OF GRIEF:

According to a 1969 book “On Death and Dying”, There describes where people allegedly deal with grief and tragedy in their lives. These are the ff. stages:

  1. Denial - This is where the person dealing with grief denies the he/she is in the state of grief. [IRONIC?! O.O]

e.g.

a. “Hindi ako nasasaktan!, bakit ganon?! ang sakti sakit …”

2. Anger - In this stage he/she will start to think that it is others to blame why she is in the state of grief.

e.g.

a. “HINDI PEWDE TO!! … Impossible … Kasalanan niya to …”

3. Bargaining - Begging for another chance, wanting to change, adjusting things to atleast make things fine and ease his/her pain.

e.g.

a. “I can change, can’t we just talk about this? … please?”

4. Depression - Being pessimistic and thinking that nothing can change anything at all.

e.g.

a. “Wala na rin naman akong magagawa, ayaw na niya … wag na lang.”

5. Acceptance - This is the last stage, this is where you learn to accept that you were in grief before and is willing to step a foot forward.

e.g.

a. “We can still be friends, that wouldn’t change anything at all. :]”

ge. drop dead. inom tayo.

Pinoy Ka. Wag Kang Magpakatanga..

May mata ka di ba? Nakakarinig ka. Pero bakit hirap na hirap kang makita ang tunay na kalagayan ng nasa paligid mo? Bakit di mo magawang sandaling pakinggan ang daing ng mga naliligaw na kaluluwang kumakatok at humihingi ng pagkalinga sa iyong puso? Hindi ka naman bulag o bingi para hindi maaninag ang katotohanang lantaran ng ipinamumukha sayo. O sadyang manhid ka lang? Nagbibingi-bingihan. Sayang ang kakayahang ibinigay sayo kung pati ang paghihirap ng bayan mo ay kahit minsan hindi gumambala sayo. Palibhasa, kung ano lamang ang nakakakapagpapabusog sa mapanlilang mong mata ang pipiliing tingnan nito. Kung ano lamang ang maganda sa pandinig mo ang pakikinggan nito.

Pansinin mo ang mga taong kadiliman ang kayakap habang ika’y nagtatampisaw sa init at liwanag ng nagngangalit na araw. Isipin mo ang mga taong katahimikan ang nagsisilbing musika. Ang mga hindi nakakalad, mga hindi nakakahawak. Mga mahihirap. Mga taong walang kinilalang magulang, inabuso, inapi. Sila pa na sabihin na natin ay, pinagmalupitan ng kapalaran, ang siya pang lubos na nakikiramdam sa paligid nila. Sila pa ang mas nakauunawa. Sila pa ang umiintindi. Sila na pinagkaitan ng kapalaran, ngunit hindi ng pagkakataon. Ngunit natuto silang gamitin ang chansa, at ang kung anong meron sila upang mapabuti ang kalagayan mo. MO.

Maswerte ka’t kumpleto ka. Ikaw ang lubos na may kakayahang baguhin ang takbo ng mundo. Ikaw dapat ang gumagawa ng paraan para mapabuti ang katayuan mo, ng lahat ng tao. Pero hindi. Ikaw pa mismo ang gumagawa ng tiyak na ikalulugmok mo, ng bayan. Ikaw na may kapasidad pa sanang gumawa ng pagbabago ang siya pang magiging dahilan upang kamuhian ka ng mundo. Inabuso mo ang kakayahan mo! Gumawa ka ng mga desisyong ikaw lang ang nakinabang. Naging makasarili ka. Manhid. Gahaman. Ayaw mo bang makitang nagpupunyagi ka, kasabay ng pagtatagumpay ng bayan mo? Wag kang maging hangal. Matuto kang makiramdam. Tingnan mo ang tunay na nangyayari. Wag mong palaging lilimitahan ang sarili mo sa mga bagay na interes mo lamang ang kayang paligayahin. Wag mong bulagin ang sarili mo sa katotohanan.

Alam ko matalino ka. Kumilos ka. May kakayahan ka, may magagawa ka.

Buhay ng Isang Only Child.

Nagtataka ako bakit maraming naiinggit sa akin, dahil nag-iisa ako? only child? bakit? para saan? kung alam lang nila… mahirap… di puro sarap.

Maraming inaakalang ang sarap sarap maging mag-isa. Marami ring hinihiling sa sana’y sila’y katulad ko… only child. Kesyo ganto, kesyo ganyan. Nasosolo mo lahat ng bagay. Nabibgay lahat ng gusto mo. Na sa iyo lahat ng pagmamhal na kailangan mo, minsan higit pa. Wala ka na nga raw mahihiling pa, ika nila. E kung sa ganung anggulo titingnan ang mga bagay, pwede. Acceptable. Sino ba naman kasing gustong minu-minuto e palipat-lipat ang channel ng tv… may kadiskusyon… may kaagaw sa chocolate na nakalagay sa ref… may kasabunutan… may kalaban sa atensyon ni mommy at daddy… naikukumpara sa isa… o kung mas general, may kaagaw/kahati. wala diba?

Pero sa totoo lang, ayoko ng sobrang atensyon. Di masayang lahat ng oras e pinuputakti ka ng pag-aalala… sabihin mo mang mali ako manindigan pero take it from me, di ko yon nagugustuhan. Nakaksakal. Pero hindi naman ibig sabihin nito e hindi ko na pinahahalgahan ang katayuan nila bilang mga magulang ko. Andun parin yun syempre. Paulanan ka ba naman ng naguumapaw na atensyon e. Pero sobrang pagtutuon ng atensyon sayo.. Para bang nakakalimutan nilang.. Malaki kana. Na kahit papano kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo. Na kaya mo ng magpalit ng salawal kahit di katulong si mommy.. Na naghahangad ka na rin ng sarili mong.. SPACE. Marerealize mo nalng na tinatrato ka pa ring bata. Kung sbgay.. Nag-iisa kana nga lang kaya DAPAT bantay-sarado sila sa paligid mo. Para din naman yun sa sarili mong kapakanan. Pero hindi ba may punto rin naman ako kapag sinabi kong dapat mas malaya silang nakakagalaw at nakakapagdesisyon para sa sarili nila gamit ang sarili nilang utak dahil wala rin naman silang makakapitan pagdating ng araw. dahil mag-isa nga lang… kaya habang maaga, dapat kaya na niya. Hindi ko pa naman lubusang hinihingi ang independence sa kanila… pero sana naman kahit pakonti-konti… ipakilala na nila sa akin iyon. Pinahahalagahan ko ang mga ginagawa nila pero minsan lumalagpas na talaga sa dulo ng kuko ko.

Kaya maraming kabataan ang natutong magrebelde e. Di na kasi nila makayanan yung masyadong panghihimasok ng mga magulang sa kanilang mga buhay. Hindi naman sa minamasama ko yung pag-aalala ng ganung mga magulang.. eh kaso dumrating yung mga puntong maraming bagay ang hindi nafufulfill o sabihin nating NAPAPATUNAYAN ng mga anak nla. Lalong lalo na sa mga bagay na kontra sila.

At isa pa… hindi masayang palaging nag-iisa. Ang lungkot kaya. Try mo oh!

My Twisted Fairytale. Part 1.

a month had passed but a word from you, i heard none. you left without even saying goodbye. how could you be so heartless! cruelty had taken the best of you. you caught me offguard and then you left me hanging, stranded… alone.

Things aren’t working as they should.

Everything’s pretty messed up.

BIG TIME.

so, i thought that there ain’t going to be another way for us to get back.

I even started believing and living with that fact.

i even convinced myself that i moved on.

that there’s no point for further sleepless nights, staring blankly in the midst of the paralleled space

…and crying upon hearing songs which would ring back the memories of you;

of what we used to have.

i consoled myself.

i learned to take crying out of my system.

anger helped a great deal for me doing so.

The thought of you became vaguer

vaguer..



and vaguer…

with each passing day.

And that’s where i drew the line…

NOW IT’S ENOUGH, i declared.

… to be continued.

Epinephrine.

sa madaling salita.. adrenaline.

at siguro narinig mo na itong bonggang-bonggang term.. ADRENALINE RUSH. ang astig nito e. parang magic e, isipin mo.. patpatin ka pero sa pagpatak ng sunog.. kahit ref nyong ilang kilo ang bigat ay mala-captain barbel mong nabuhat! oha.

marami na kong narinig na interesanteng adrenaline rush cases. yung tipong.. mapapawow ka talaga sa gulat. meron pa nga, nailigtas sya ng adrenaline na ito sa tiyak na kahihiyan. e katangahan ba namang hindi maitatawag yung magsasayaw ka sa gitna ng basang kalsada na parang lasing at biglang mawala yung balance mo at sa akmang matutumba ka na e bigla kang humarap sa sahig at napahawak sa lupa sa pwestong nagpupush-up. (hehe.. sino kaya yon? :D ) ok so hindi talaga nwala yung kahihiyan dunsa pangyayaring iyon.. pero atleast napigilan yung mas malalang outcome nung pangyayari. e pano kung nabagok yun. tapos nagka-amnesia. nabaliw. naligaw-ligaw. nasagasaan. oh? :))
pero ayos din tlga yan e. isang klase ng hormone na in a blink of an eye, makakapag-stimulate ng ating senses para makagawa ng favorable actions lalo na pag emergency cases. parang reflexes nga lang e. pero mas astig. para syang counterpart ng bato ni darna na nakapagbibigay sa kanya ng pangkaraniwang powrs pag nilulunok. ganun din sa tao, pag dumating ang adrenaline rush.. parang nagiging superhuman ang ating stength ng di man lang natin namamalayan. pag iniisip nalang natin pagkalipas ng ilang panahon e marerealize nating.. “wow! astig. nagawa ko talaga yun? rakon!”

laking tulong din to sakin e. hehe. e pano ba naman kse.. mahilig ako mag-cram. oo. as in sobra. adrenaline addict na nga ata ako e. :)) kagaya pag lunch break or recess.. konting-konting segundo nalang magbebell na.. matatapos ko pa lahat ng dapat tapusin with supersonic speed! oo. take note.. nakapag-review na ko nun. :)) kaya laking pasalamat talaga ko dito sa napakagandang likha ni Papa Jesus e. nagkaron ng katuwang ang mga chronic crammers na katulad ko sa pagharap namin sa buhay. pero di ko to aabusuhin no. sayang. magsisipag din ako. don wori. AMEN.

*just bumped in with this one. i find this really true and cute. MATAMAAN NA DAPAT NG MATAMAAN. you guys should read this by heart. :)*

FROM A GIRL’S POINT OF VIEW :]It takes us hours to prepare when we go out not ‘cause we’re flirty but because we want to look good for you.

Don’t just get mad when we wear short skirts. Be protective.
We like it, just don’t overdo it. You’re our boy, not our dad. haha.

Please don’t openly stare at other girls’ legs when we’re together.
Only a few girls can forgive you for that and only a few will stare along with you and think nothing of it. tss.

When you notice a change in mood and you ask us what’s up and we say “nothing”, trust me, it’s not NOTHING. 70% of the time, it’s something you did that made us sad/mad.

When this happens, tell us that you want to know, but if we won’t tell you now,
you just hafto wait till we’re ready.

Flowers, on any occasion, are not corny. :)
Flowers are most appreciated especially when there’s no occasion. :D
You don’t have to spew lines from Shakespeare just to make us melt.
A simple SINCERE compliment does wonders.

And yes, sincerity goes a loooong long way. :)
Text us goodmorning and text us goodnight. Text us the moment we’ve been gone 20 feet away from you. Text us to find out if we’re home, if we’ve eatenshowing you care can be just as clear as I love you.

You don’t have to be handsome for a girl to like you.
It’s all about personality and how you carry yourself.

You expect girls to be pretty and fresh all the time –do the same for us.
A smelly, sweaty boy is expected, but we’d rather have you smelling good.

And yes, smelling good counts. lol.

Don’t feel bad when we pay up or are too shy to say what we want you to buy for us.
We just don’t want you to think we like you for your money.

Initiate praying before meals. Good boys are always hard to find, so prove you’re one of them.

Don’t be afraid to play with your little siblings or to kiss your mom or dad in front of us.
It makes us go awwww. XD

Give us your old jacket or shirt or jersey.
We like wearing your clothes and making them our own.
It shows people that we’re yours.

Look us in the eye when you want to say something. We will believe you.

You boys say we’re complicated—but wouldn’t life be boring if we weren’t? All a girl ever wants from a guy is
his effort to show her just how much he cares for her
and how much he loves her.
It all boils down to that.

:)

cute right. and do much true. oh look! you’re smiling. :)

Minsan May Isang Puta..

i just reposted this one. i’m not the one who came up with it. i just find this very revealing. nothing but a picture of our neglected country which we actually did ourselves. hope this would put some sense in your heads. enjoy! :)

MINSAN MAY ISANG PUTA.

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito nagkanda loko-loko ang kinabukasan ko. Halika, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman sila bilang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kasi di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong hayok na foreigners ang namiyesta sa katawan ko, na-rape ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Espanyol at Hapon. Kasi, ibang-iba talaga sya. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo - may chocolates, spam, blue seal na yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit.

Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami. Pero pakiramdam ko unti unti na akong nalolosyang.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. Putang Ina! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, malapit na akong malaspag.

Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US at Europe. Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, marami rin sa mga anak ko na andito ang namamantala sa kabuhayan at kayamanan na itinatabi ko para sa kinabukasan naming lahat. Halos mahubaran na ako sa sobrang kasakiman ng aking mga anak. Ibinigay ko na ang lahat sa kanila, pero ninanakawan pa rin nila ako. Kaya dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maging maginhawa lang ang mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa. Ni hindi nga yata ako kinikilalang ina. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taon na darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw:

“INA NINYO AKO! MAHALIN NIYO NAMAN AKO!”

Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

Ako nga pala si PILIPINAS.

Kakaibang Karanasan..

(wag masyadong ma-excite sa title… baka madisappoint kita. hehehe)

fragile ang tao. di nya maiiiwas ang sarili niyang ma-involve sa mga pangyayaring inisip niyang kahit minsan sa buhay niya’y di nya kayang gawin, kahit nga isipin e. mangyayari kung anong darating… wala tayong laban sa kapangyarihan ng kalikasan… wala naman tayong kakayahang makita ang hinaharap. baliw ang naniniwalang may ganon. ang mahalaga e makaya nating harapin ang lahat, kahit gano man iyon kahiya-hiya o nakakapanglambot ng laman. :D
(eto pa lang yung kwento… langya panget ng intro. amp! =p )

naranasan mo na bang makulong sa loob ng isang cubicle kasama ang ibang tao? ( maliban sa mga magulang mo o kapatid mo nung bata pa, wag kang pilosopo! ) oo. sa cubicle. yung dalawa lang kayo… pwede ring tatlo. o apat! diba weird. ako? oo. hehehe.

bale apat kame sa cubicle. cubicle pa nga ng McDo yun e. pano si Cammeo kse bigla na lang sumugod sa cr ng umiiyak. sunod naman tong si Kristel. e naiihi na ko, kaya sumunod na rin ako sa banyo. e si Mia, chismosa, sumunod na rin! so apat na. yung cubicle kse dun sa banyo ng McDo malapit sa school, nag-iisa lang… pero kasya sampu. andun yung dalawang nauna sa loob ng cubicle… kinakausap ni Kristel si Cammeo. nakipsok na rin ako, e anong magagawa ko e ihing-ihi na ko saka andun yung inidoro sa loob. alangan namang sa lababo ko umihi diba? LOL. :p si Mia nakiusyoso na rin sa loob. nilock nalang namen yung pinto. wala e, ihing-ihi na ko kaya walang anu-ano e sumamapa na ko sa inidoro. wala na kong pakealam basta ang alam ko iihi ako! =)) so tawanan sila. yung umiiyak humagikgik na rin. eto pa! humirit tong si Mia! paihi rin daw pagkatpos. so sampa ulet sa inidoro kaharap kame. tawanan ulet ang mga gaga! si Kristel naman dumale rin! sya daw pagkatapos. at para sa finale, yung umiyak nakisale narin! langya. laptrip sa loob ng cubicle e. nakakatawang pangyayare. oy walang malisya yun, pare-parehas naman kaming babae! buti na lang at walang ibang pumasok sa loob ng cr kaya walang nakasaksi sa aming kawalanghiyaan! tawa lang kame ng tawa paglabas ng cr… walang kaalam-alam yung mga kasama naming lalake sa nangyari sa loob. ang nakakatawa pa e nagsisimula ng lumikot yung mga madudumi nilang isip! pero kame, wala. tawa lang ng tawa…

oy. walang kadiri dun ah. kasalanan ba naming maihi kame ng sabay-sabay? saka hanggang ihi lang yun, wala ng iba! wag kang bastos! hahaha. LOL. :p

Scene sa simbahan. :D

ito ay nangyari kahapon sa simbahan(10-26-08) natawa lang ako. sana mabilis pick-up mo pra matawa ka naman. “

Batang babae: (sumisigaw.) Mom, di ba bibili na tayo ng toy?!!!

Nanay: sshh! you shut up! (tsaka sila umalis para mg-communion.)

Astig Na Si Inah:) Ma, ako di ba nibibili mo din ng toy mamaya?

Mom: oo. TOY-ang. (gets mo? kanta yun ng eheads. TOYANG. nincompoop.)

Astig Na Si Inah:) wahahaha!!! ang korny mo! :))

Mom: Pakelam mo?! :p

"like mother like daughter nga naman.."