Angels and Demons.. NOT THE MOVIE.

Saturday, April 25, 2009


Dadong Demonyo: Hoy bakla ka! Ano na namang kabadingan yang binubulung-bulong mo kay Inah ha? Langya ka... tuhugin ko yang pwit mo e. Hayaan mo syang gumawa ng keeeeewl... Puro ka kaburgisan! PWE!

Hangelong Heinjel: Oh my Gee! Naku don't make tuhog my behind ah.. Sabi ni Dr. Vicky it's not yet magaling pa. Kaka-buttocks lang nyan e. You're so mean talaga! *pout* I'll make sumbong to Papa Lord sige ka.. And besides.. Inah should gawa good things, not bad.

Dadong Demonyo: Anong bad bad yang binubuchi ng bunganga mo?! Ngudngod kaya kita sa inidoro ng makita mo hinahanap mo. Mga cool na bagay ang sinasabi ko sa kanya! COOL.

Hangelong Heinjel: Meaner! You'll just make her pahamak with those things eh. If I know, gusto mo lang siyang magaya sa'yo. Pero like Modess or Whisper... i won't let her down.

Dadong Demonyo: Aba'y gager ka talaga! Halika dito't uupakan na kitang animal ka!

Hangelong Heinjel: Wahahahayy! *takbo* Don't! Baka masira hair ko! I give up na!


-------------------------------------------------------------------------------


naisip ko lang... tingin mo may mga ganyang eksena sa magkabilang balikat mo sa tuwing nagaalangan ka sa paggawa ng desisyon? yung tipong may nag-dedebateng angel saka demon tapos sinusulsulan yung host. dami kong napapanood na ganyan sa cartoons e.

****

… haaay. balak ko pa sanang lagyan ng mas mahabang description. dinapuan na naman ng steaming katamaran. buhay nga naman oo. PARANG LIFE. korni. kung di lang talaga ako bored e.

Senate Escapade.. PART 1

Kilala mo si Papa Champ ng Hale? Mamatay ka na kung hindi. Ah eh wala lang... Naalala ko lang. Pasensya. :D

Tapos ito na ang naganap...

December something of 2008, Technical Writing class. Pumasok ng klase namin si Mrs. Selina V. Brigola. Ambango nya ng araw na yun. Blooming. Parang nagpa-salon. Pero wala pa rin talagang kinalaman to...

Binigay nya ang most anticipated project ng taon ng mga sophomores.. Interview. Korni man pero inabangan talaga namin to. Chance na rin kasi yun para sa malayuang galaan nang hindi nasisita ng mga guro.. at mga araw na excused kami sa klase para mahabol ang mga schedule ng mga kakapanayamin (shet) So kanya-kanyang isip na ang mga groups kung sinong magiging interviewee. Entrepreneurs ang target market ng project kung kaya't kung sino-sinong bigating negosyante ang pinagpantasyahan ng mga kumag. May Henry Sy.. may mga Lopez.. may gusto Cojuangco.. Gokongwei, Gozon at kung sino-sino pang mangangalakal sa bansa na nagsuswimming sa datung. Sa group ko naman... since hindi kami ganun ka-ambisyoso(haha.. ang sama e) si Sen. Villar ang napagkasunduan. Tutuparin nga daw niya ang pangarap mo e.. kaya malamang nagpapaypay ng pera yun, kahit si Prospero Pichay ang nagsabi nyan.. basta mayaman si Villar!

Wala kaming ibang nakuhang available address niya kundi ang opisina niya mismo sa Senado. So wala rin kaming choice kundi pumunta at personal na maghatid ng letter namin. Nakakatuwa rin yung experiences namin sa Senado. Sobrang dami ba namang kamalasan e.

Unang sabak sa Senado.. Wahahaha. Masaya talaga pag pers taym. Sobrang excited kami sa pagpunta dun. Sumakay kami ng Lrt ( na kabagang ko na... ). Masaya. Masaya talaga. Pagbaba namin ng Lrt Station, after nung sa jeep.. peste! Ni hindi mahulugang karayom ang dadaanan. Nagkalat ang mga sidewalk vendors.. Siksikan ang mga tao. Ang antot ng hangin. Ni hindi kami makahinga. Para kaming nilulunod sa dagat ng mga pawisang katawan. Grabe. Ngumungudngod ang mukha ko sa mga kili-kili at braso ng mga taong nakakabangga ko sa sobrang sikip. Naka-uniform pa naman kami. 20 mins. din siguro kaming nakipaglaban makalabas lang sa purgatoryong yun. At ang kaninang mga pres na mga ichura, mga bilasang galunggong na ang drama. Pero ok lang, carry pa. :D

Ang saya nung pasakay na kami ng LRT. Parang mga batang yagit. Nagtatakbuhan kami paakyat ng hagdaan.. parating na kasi yung train at para na rin may maispatang upuan. Sa Gil Puyat station kami bababa. Saglit nga lang ang biyahe. Nakakabitin nga e. Pagkababa.. kailangan pa namin ulit sumakay para makarating ng Senado. Shuttle Bus ang sinakyan namin. Shuttle Bus ng GSIS. haha. Nakakatawa nga e. Kami lang ang mga estudyante dun. Sa mismong GSIS pumara ang Shuttle bus. Pagbaba, hindi na namin alam ang pupuntahan. No choice. Pinasok namin ang building.. nagtanong pa kami sa Madre na andun saka namin napagtantong bakit hindi sa teller magtanong. Nasa likuran pa pala ang Senado. Kailangan pa naming lakarin. In fairness.. ang layo ng nilakad namin. Parang hiking lang. Pagdating na sa may gate.. Shit. May checkpoint! Di naman dahil sa may dala kaming marijuana o sibat kaya ako kinabahan pero ewan ko.. para lang akong nakakita talaga ng multo pag nakaharap na sa mga scary bad men na naka-camouflage at gargantuan ang mga hawak na bang-bang! Pero ayus din naman pala sila.. mga loko-loko rin ang mga lintek. Trip lang talga nila magmukhang nangangain sa simula. So pasok naman kami... may checkpoint na naman ulit. Parang ayaw pa nga kami papasukin ng haliparot na yun e. Malandi. Nagpapacute sa classmate ko ang timang. Eew. haha. Nakapasok din maya-maya.

At ayan na! Nasa labas na kami ng main hall. Chenen! Kaso shit! Shit talaga.. Di ako pinapasok. Di ko kasi nadala id ko. Pero di naman ako nag-iisa.. May kaklase pa kong di pinapasok e. Ganun pala talga pag matalino.. minsan nawawala sa isip mo ang maraming bagay. *sigh*

Pagkaraan ang tumataginting na isang oras na paghihintay sa kanila.. makakauwi na rin sa wakas. Kaso may problema, di namin alam ang sasakyan. Lakad na naman.. Nasa gitna kami ng Diosdado Macapagal High Way at naghihintay ng himala. Wala talaga kasing masakyan. Napagdesisyunan ng grupo na maglakad papunta ng MOA na mejo may kalayuan pa by foot para dun sumakay. Gabi na ng marating ang MOA. At malayo pa ang uuwian ko. Shetbol. Nakakapagod.

at nasundan pa ng maraming pagbalik..

*next post na. tinamad ako e.

Cheater Ako!

Sunday, April 19, 2009

OO! Cheater nga ako! May angal ka?! Meron? Ge. Layo na ako.

Wala di naman literal na 'cheater'. Ilang beses ko na kasing nadaya si Kamatayan kaya nakuha ko yung tawag na yun sa mga kaibigan kong mahal. Hindi lang isang beses akong nakaranas ng near-death experience... tatlong beses na. Pero wala e, masamang damo talaga.


Tatlong taon ako nang maganap ang unang pagkitil ng isa sa aking siyam na buhay. Kwento ng nanay ko... habang naglalaro daw ako ng tae, nakita na lang nyang duguan na yung sando ko. Nagdudugo na pala yung ilong ko. Saka na lang niya napansing marami na rin pala akong pantal sa katawan. Sa sobrang kaba at takot niya, dali-dali niya akong dinala sa ospital. Di na nga raw sya humingi ng tulong e.. sya na lang ang nagkarga sakin. Nagkataong wala rin si dad nung mga oras na yun. Tinakbo ng nanay ko ng nakayapak ang labasan ng village para madala ako sa ospital. At dun na nga niya nakumpirmang na-Dengue na pala ako. 2 weeks din ata akong nag-stay dun. Hindi kasi naging stable yung platelet count ko kaya kailangang palaging namomonitor. Sa ospital na rin ako inabutan ng 4th Birthday. May kwento pa nga si mommy na habang tulog daw sya, pumuslit daw ako palabas ng kwarto. Tinanggal ko lahat ng nakasuksok sa kamay ko at inikot ang buong ospital. Edi syempre mabaliw-baliw nanay ko. Kala nga nya patay na ko at dinala na sa morge. Hinanap nila ako sa buong ospital at sa isang kwarto ng batang babaeng payat na payat at tila makina na lamang ang nagsusustento ng buhay ako nakita. Nakaupo raw ako katabi ng bata. Kinakausap ko kahit tulog. Weird. Pero nangyari.

So yun na nga.. Ilang days after nung incident na yun, lumala pa lalo ang lagay ko. Imbes na maging stable na, lalo pang bumaba. Dumating sa point na sabi ng doktor na maaring mamatay ako... na araw na lang ang itatagal ko kung hindi iyon maaagapan. Nawawalan na rin kasi sila ng pag-asang maayos pa ang kalagayan ko. Parang gumuho daw ang mundo ng nanay ko nung marinig ang balitang yun. Kasi para daw bang pinapanood na lang niyang malagutan ng hininga ang nag-iisang anak niya.

so dito na yung unang dayaan.


Ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari... Tenen. Nag-survive si Nene! Nakiayon yung platelets ko at ayon.. unti-unting naging normal. Siguro nga binigyan ng bribe ng parents ko kaya nagkaganon. Hanggang sa naging ok na nga ako tagal-tagal at nakalabas na. :D

(PS: Namatay yung batang babae isang araw mula nang makalabas ako. )

Siguro Guardian Angel ko sya ano? Ewan. Malay.

Remaining Pusa Lives: 8


Grade 1 naman to nangayari.. Kasama ko si dad tumawid no'ng gabing yon. Mga 11 o'clock ata or something. Galing kami nun sa store ni mama na sa kabilang kanto lang. Walking distance kumbaga. Pero sa pagtawid namin.. nabangga kami ng rumaragasang kotse. Hit and Run ang nangyari pare. Wala pang nakapansin na by-stander sa plate number nung kotse. Kulay lang ang natandaan. Mabilis kasi ang mga pangyayari. No'ng mga panahong yun... akala ko nananaginip lang ako. May nakita ako.. blangkong puti, akala ko pa nga nananaginip lang ako... akala ko nasa kwarto na ko non. Nagising ako na hawak na ng isang babae. By-stander lang sya. Sya yung pumulot sakin nung nahagip ako. Nung una, wala akong naramdamang sakit. One minute siguro mula ng sinubukan kong tumayo.. natumba ako. May pilay na pala. Nanginginig na ang katawan ko. Nasasaktan na. Kinapa ko ang ulo ko... may dugo na. Nabagok ata ako. Saka ko naalala na may kasama pa pala ako.. si dad. Hinanap ko siya sa mga rumespondeng tao. Nakita ko ng nagdidilim ang paningin na binubuhat sya.. walang malay. Nakita kong may mga bakas sya ng dugo sa katawan. Wala pang kaalam-alam si mama sa nangyari sa mag-ama nya. Kasalukuyan pa kasi syang nag-aayos sa store.. magsasara palang kasi. Binalitaan lang sya ng mga kaibigan nya na may nangyari ngang banggaan. Huli na ng malaman nyang.. kami na pala yung balita. Dinrive kami ni tito sa pinakamalapit na ospital. Ako, kahit hilo at masakit ang katawan.. pinilit kong mamulat para alalayan ang daddy ko. Takot na takot ako sa kalagayaan nya. Akala ko mamamatay na siya ng mga oras na yun. Napaluha nalang ako. Nakikita ko ring umiiyak na ang mommy ko. Tila di makapaniwalang sasapitin namin ang ganun. Mas malala ang tama ng daddy ko. Sya kasi yung unang nahagip. Mas malakas yung impact ng pagtampa sa kanya. Kung tutuusin, ako dapat ang nasa pwestong yon e. Ako dapat yung unang matatamaan... pero naiwas agad ako ni dad. Malayo ang tinalsikan nya. Kung ako siguro yun.. malamang hindi na ako makakapag-type ngayon at makakapgkwento nito.


putulin ko na dito.. hehe. mahaba pa yung nangyari e. naaalala ko lang.

Remaining Pusa Lives: 7

Eto naman nung grade 6. Uso na kasi sakin ang mag-liwaliw mag-isa ng mga panahong to. Haha.. Napadaan ako sa isang depressed area. Medyo malapit na rin kasi dun yung destinasyon ko. Masyado pang pre-occupied yung utak ko sa pagbibilang ng baryang nasa palad ko (natakot kasi akong baka di na ko makauwi.. :p) kaya wala na akong keber sa nangyayari sa paligid.. basta maglalakad ako. Basta tong pangyayaring to e masasabi mong purong katangahan.

Di ko napansing may rambol palang nagaganap. May naghahabulan na ng saksakan. Nahimasmasan na lang ako ng may mamang hubad ang nakabangga sakin at nahulog nya yung pera sa kamay ko. Pagkalampas na pagkalampas sakin nung mama.. naabutan naman sya ng isa pang hubad na mama na tila galit na galit. May hawak na kutsilyo. At sa likuran ko nasaksak ng mamang hubad yung naunang mamang hubad. >.< Nasa gitna na pala ako ng patayan ng hindi ko alam. Katangahan.


Remaining Pusa Lives: 6

Haha. Sabi sayo cheater ako e.. 6 nalang natitira. Haha. Kung di ko siguro nalampasan yung mga yon, wala ka sanang binabasa ngayon. Kaya ako nag-iingat na e. Katakuuut. Pero kung tutuusin.. Everyday naman talaga akong may near-death experience e. Parang ikaw. Napaka-delikado at bayolente na kasi ng lipunanan.. Naglipana ang mga harabas... Ang mga kalye nakakamatay. Uso ang sakit. Kaya maswerte kang nakakalampas ka pa ng isang araw na tumotono pa ang pulso mo. Kaya pakabaet ka totoy. Wag mag-adik. Drink moderately. Bawal ang pork.. pati beans. Matulog ka naman. O kaya kinig ka ng Brewrats. haha. Orayt? Good.


May Plurk Knb?

Friday, April 17, 2009



“Huy sis may Plurk ka?”

“Ay gaga ka syempre wala!”

“Loka, gumawa ka astig yun.”

Anung astig?”

“Yung Plurk!”

“Anu bang meron dun?”

“Actually wala naman. Makakarma ka lang. Pero cool ka pag meron ka nun!”

“Ano makakarma ako?!”

“Gaga hindi yung karmang tinutukoy mo. Mamundok ka na nga lang”

“To naman. Malay ko ba. Pero ayos ba yan?”

“Oo nga. Yan ang uso. Plurk.

“Ah ganon ba. O sige.. gagawa ako, nang makarma

Plurk, plurk, plurk. Lahat na nag-papainvite sa plurk. Plurk, plurk, plurk. Nakakatawa e. Parang tigyawat na pinisa. PLORK. lol.

-------

Pero sauce. Pati ba naman pagtae mo kailangang ipamalita sa buong mundo? Keber ko ba kung buntis ang aso mo? O lumipad na yung kuto mo? Wala lang. Inggit lang siguro. Kaya feeling bitter. Wala pa ko niyan e. haha. Pero di ko trip e. Kaya di rin ako gagawa. :D

Kaburyo.

Kanina pa nakatanga

Sa buhay ay walang magawa.

Nag-isip gumawa ng tula,

Upang ang inip ay bahagyang maapula.

Ngunit ano itong nangyayari?

Daliri ko’y tila walang pakundangan at puri.

Nagsasayang ng panahong pumindot ng mga salita,

Na sa isip ng nagbabasa’y pawang mga walang kwentang dada.

Sa aking pagpapatuloy,

Pang-unawa mo sana’y wag mapurdoy.

Ako’y isa lamang bata…

Na sa kawalan ng pagkakaabalaha’y gumawa ng tula.

Marami kang magagawa

Ngunit pumarito ka.

Salamat igan,

At ika’y nagpakita ng kagiliwan.

Pero ito ang sasabihin ko

Wala kang mapapala sa pagbabasa nito

Mabuti pang matulog ka na lang..

O di kaya’y kuskusin ang lababo.

O sya kaibigan.

Hanggang dito na lamang.

Isa akong henyo…

Na baka pagkatapos nito’y

gumawa pa ng panibago.

Schizophrenia.


I stared down along that cold and dark alley.
Everything was pretty timid.
I felt so alone, isolated.
Trapped in that gravering lonesome.
I was ravished by the deafening silence that is…
little by little…
clouding up my stance.
I started to panic.
Right then and there,
I took my first step.
My body felt heavy but i knew i had to repel myself from something that was bound
to happen at the moment…
something disreputable.

The enraging feel of being watched seemed to have taken the best of me.
Fickle, you say?
But i knew the feeling very well.
My baby steps were now gone.
I increased in speed.
I needed to be agile.
I knew I had to go somewhere..
.. somewhere far from there.
With each step..
the frightening aura of the surrounding entities started to disember my senses.
Then i saw myself running..
trembling..
frightened.
I had to be quick.
I needed to be very vigilant.
But the silence didin’t settle issues with me.
It became hurtful..
… more striking than ever.
Nothing compared to what i had imagined.

I knew i was fighting for something here..
… something unseen.
unbearable..
What could it be?
The question flickered on and off.
I erased the idea from my senses..
but still..
it didnt leave.
Maybe not after giving a fight.
I dont know.
Then the space grew narrower and narrower with each passing second.
I was afraid.
I continued running.
Running in the middle of nowhere..
.. uncertain of where to go.
What does he want from me?!

A light flashed before my eyes..
I was stunned.
I examined where the light leads to.
Luck was not beside me.
But I followed the path it headed.

… little did i know, i was on to something worse.