Senate Escapade.. PART 1

Saturday, April 25, 2009

Kilala mo si Papa Champ ng Hale? Mamatay ka na kung hindi. Ah eh wala lang... Naalala ko lang. Pasensya. :D

Tapos ito na ang naganap...

December something of 2008, Technical Writing class. Pumasok ng klase namin si Mrs. Selina V. Brigola. Ambango nya ng araw na yun. Blooming. Parang nagpa-salon. Pero wala pa rin talagang kinalaman to...

Binigay nya ang most anticipated project ng taon ng mga sophomores.. Interview. Korni man pero inabangan talaga namin to. Chance na rin kasi yun para sa malayuang galaan nang hindi nasisita ng mga guro.. at mga araw na excused kami sa klase para mahabol ang mga schedule ng mga kakapanayamin (shet) So kanya-kanyang isip na ang mga groups kung sinong magiging interviewee. Entrepreneurs ang target market ng project kung kaya't kung sino-sinong bigating negosyante ang pinagpantasyahan ng mga kumag. May Henry Sy.. may mga Lopez.. may gusto Cojuangco.. Gokongwei, Gozon at kung sino-sino pang mangangalakal sa bansa na nagsuswimming sa datung. Sa group ko naman... since hindi kami ganun ka-ambisyoso(haha.. ang sama e) si Sen. Villar ang napagkasunduan. Tutuparin nga daw niya ang pangarap mo e.. kaya malamang nagpapaypay ng pera yun, kahit si Prospero Pichay ang nagsabi nyan.. basta mayaman si Villar!

Wala kaming ibang nakuhang available address niya kundi ang opisina niya mismo sa Senado. So wala rin kaming choice kundi pumunta at personal na maghatid ng letter namin. Nakakatuwa rin yung experiences namin sa Senado. Sobrang dami ba namang kamalasan e.

Unang sabak sa Senado.. Wahahaha. Masaya talaga pag pers taym. Sobrang excited kami sa pagpunta dun. Sumakay kami ng Lrt ( na kabagang ko na... ). Masaya. Masaya talaga. Pagbaba namin ng Lrt Station, after nung sa jeep.. peste! Ni hindi mahulugang karayom ang dadaanan. Nagkalat ang mga sidewalk vendors.. Siksikan ang mga tao. Ang antot ng hangin. Ni hindi kami makahinga. Para kaming nilulunod sa dagat ng mga pawisang katawan. Grabe. Ngumungudngod ang mukha ko sa mga kili-kili at braso ng mga taong nakakabangga ko sa sobrang sikip. Naka-uniform pa naman kami. 20 mins. din siguro kaming nakipaglaban makalabas lang sa purgatoryong yun. At ang kaninang mga pres na mga ichura, mga bilasang galunggong na ang drama. Pero ok lang, carry pa. :D

Ang saya nung pasakay na kami ng LRT. Parang mga batang yagit. Nagtatakbuhan kami paakyat ng hagdaan.. parating na kasi yung train at para na rin may maispatang upuan. Sa Gil Puyat station kami bababa. Saglit nga lang ang biyahe. Nakakabitin nga e. Pagkababa.. kailangan pa namin ulit sumakay para makarating ng Senado. Shuttle Bus ang sinakyan namin. Shuttle Bus ng GSIS. haha. Nakakatawa nga e. Kami lang ang mga estudyante dun. Sa mismong GSIS pumara ang Shuttle bus. Pagbaba, hindi na namin alam ang pupuntahan. No choice. Pinasok namin ang building.. nagtanong pa kami sa Madre na andun saka namin napagtantong bakit hindi sa teller magtanong. Nasa likuran pa pala ang Senado. Kailangan pa naming lakarin. In fairness.. ang layo ng nilakad namin. Parang hiking lang. Pagdating na sa may gate.. Shit. May checkpoint! Di naman dahil sa may dala kaming marijuana o sibat kaya ako kinabahan pero ewan ko.. para lang akong nakakita talaga ng multo pag nakaharap na sa mga scary bad men na naka-camouflage at gargantuan ang mga hawak na bang-bang! Pero ayus din naman pala sila.. mga loko-loko rin ang mga lintek. Trip lang talga nila magmukhang nangangain sa simula. So pasok naman kami... may checkpoint na naman ulit. Parang ayaw pa nga kami papasukin ng haliparot na yun e. Malandi. Nagpapacute sa classmate ko ang timang. Eew. haha. Nakapasok din maya-maya.

At ayan na! Nasa labas na kami ng main hall. Chenen! Kaso shit! Shit talaga.. Di ako pinapasok. Di ko kasi nadala id ko. Pero di naman ako nag-iisa.. May kaklase pa kong di pinapasok e. Ganun pala talga pag matalino.. minsan nawawala sa isip mo ang maraming bagay. *sigh*

Pagkaraan ang tumataginting na isang oras na paghihintay sa kanila.. makakauwi na rin sa wakas. Kaso may problema, di namin alam ang sasakyan. Lakad na naman.. Nasa gitna kami ng Diosdado Macapagal High Way at naghihintay ng himala. Wala talaga kasing masakyan. Napagdesisyunan ng grupo na maglakad papunta ng MOA na mejo may kalayuan pa by foot para dun sumakay. Gabi na ng marating ang MOA. At malayo pa ang uuwian ko. Shetbol. Nakakapagod.

at nasundan pa ng maraming pagbalik..

*next post na. tinamad ako e.

1 comments:

Bart Tolina said...

punta kayo sa blog ko at may libreng pagkain! barttolina.blogspot.com
salamat!