Buhay ng Isang Only Child.

Saturday, February 21, 2009

Nagtataka ako bakit maraming naiinggit sa akin, dahil nag-iisa ako? only child? bakit? para saan? kung alam lang nila… mahirap… di puro sarap.

Maraming inaakalang ang sarap sarap maging mag-isa. Marami ring hinihiling sa sana’y sila’y katulad ko… only child. Kesyo ganto, kesyo ganyan. Nasosolo mo lahat ng bagay. Nabibgay lahat ng gusto mo. Na sa iyo lahat ng pagmamhal na kailangan mo, minsan higit pa. Wala ka na nga raw mahihiling pa, ika nila. E kung sa ganung anggulo titingnan ang mga bagay, pwede. Acceptable. Sino ba naman kasing gustong minu-minuto e palipat-lipat ang channel ng tv… may kadiskusyon… may kaagaw sa chocolate na nakalagay sa ref… may kasabunutan… may kalaban sa atensyon ni mommy at daddy… naikukumpara sa isa… o kung mas general, may kaagaw/kahati. wala diba?

Pero sa totoo lang, ayoko ng sobrang atensyon. Di masayang lahat ng oras e pinuputakti ka ng pag-aalala… sabihin mo mang mali ako manindigan pero take it from me, di ko yon nagugustuhan. Nakaksakal. Pero hindi naman ibig sabihin nito e hindi ko na pinahahalgahan ang katayuan nila bilang mga magulang ko. Andun parin yun syempre. Paulanan ka ba naman ng naguumapaw na atensyon e. Pero sobrang pagtutuon ng atensyon sayo.. Para bang nakakalimutan nilang.. Malaki kana. Na kahit papano kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo. Na kaya mo ng magpalit ng salawal kahit di katulong si mommy.. Na naghahangad ka na rin ng sarili mong.. SPACE. Marerealize mo nalng na tinatrato ka pa ring bata. Kung sbgay.. Nag-iisa kana nga lang kaya DAPAT bantay-sarado sila sa paligid mo. Para din naman yun sa sarili mong kapakanan. Pero hindi ba may punto rin naman ako kapag sinabi kong dapat mas malaya silang nakakagalaw at nakakapagdesisyon para sa sarili nila gamit ang sarili nilang utak dahil wala rin naman silang makakapitan pagdating ng araw. dahil mag-isa nga lang… kaya habang maaga, dapat kaya na niya. Hindi ko pa naman lubusang hinihingi ang independence sa kanila… pero sana naman kahit pakonti-konti… ipakilala na nila sa akin iyon. Pinahahalagahan ko ang mga ginagawa nila pero minsan lumalagpas na talaga sa dulo ng kuko ko.

Kaya maraming kabataan ang natutong magrebelde e. Di na kasi nila makayanan yung masyadong panghihimasok ng mga magulang sa kanilang mga buhay. Hindi naman sa minamasama ko yung pag-aalala ng ganung mga magulang.. eh kaso dumrating yung mga puntong maraming bagay ang hindi nafufulfill o sabihin nating NAPAPATUNAYAN ng mga anak nla. Lalong lalo na sa mga bagay na kontra sila.

At isa pa… hindi masayang palaging nag-iisa. Ang lungkot kaya. Try mo oh!

0 comments: